Boy Abunda Di Nagustuhan Ang Pag Post Ni AJ Raval Sa Naging Coversation Nito Kay Kylie Padilla!

Linggo, Pebrero 26, 2023

/ by Lovely


 Hindi nagustuhan ng talent manager at TV-host na si Boy Abunda ang ginawang pagbabahagi ni AJ Raval sa naging conversation nila ni Kylie Padilla.


Makikita sa ibinahaging conversation nina Kylie Padilla at AJ Raval na maayos at hindi galit si Kylie sa pagbubunyag ni AJ sa publiko sa totoong relasyon nila ni Aljur Abrenica.


Subalit, tila hindi ito nagustuhan ng ilang mga netizens at maging ng talent manager at TV Host na si Boy Abunda ang ginawang ito ni AJ Raval.


Isiniwalat pa ni Boy Abunda na may nakausap siyang abogado hinggil sa pagbabahagi ng private conversation screenshots sa social media.


Ayon kay Boy Abunda, base sa konsultasyon niya sa isang abogado, kapag ang isang private message ay ipinagkalat online ito ay maituturing sa isang illegal act at very improper.


Kapag may malisya pa umano ang nasabing conversation na naibahagi mo online ay maari kapang kasuhan ng cyber libel. 


Isa pang sitwasyon na maari kang kasuhan ay kung nagbahagi ka ng private conversation na wala namang pahintulot mula sa iyong kausap.


Nilinaw pa ni Tito Boy Abunda na hindi lamang ito tungkol kay AJ Raval dahil tila wala namang reklamo si Kylie. Kundi para sa kaalaman ng lahat sa kung paano ihandle ang mga private conversation screenshots.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo