Boy Abunda Ininvite Si AJ Raval Sa Kanyang Programang Fast Talk With Boy Abunda!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng imbitasyon ang King of Talk na si Boy Abunda kay AJ Raval kasunod ng pagbubunyag nito sa totoong relasyon nila ni Aljur Abrenica noong Valentine's Day.

Subalit, bago pa man aminin ng dalawa ang kanilang relasyon ay ilang beses nang nalilink ang pangalan nila sa isa't-isa at ilang beses na ring namataang magkasama.

Matatandaan pa na noong nagdaang taon ay lumabas ang isyung nagbuntis si AJ at pasikretong nanganak sa isang lying in noong nagdaang November 2022.

Kaya naman, tila hindi na nakapagtimpi ang King of Talk at naglabas na ng imbitasyon par akay AJ Raval na hindi pa umano niya nakikilala in person na maging isang guest sa kanyang programa sa GMA na Fast Talk with Boy Abunda.

"Ang natitira na lamang na pinag-uusapan na hindi pa nako-confirm ay I'd like to talk to you about this AJ, Aljur. I haven't met AJ Raval. Pero ang gustong malaman ng tao nasan ba, totoo nga ba 'yung mga usap-usapan na meron silang anak," pahayag ni Boy Abunda.

Paglilinaw naman ni Tito Boy na sakaling hindi pa handang pag-usapan ni AJ ang usapin ng may anak ay ok pa rin sa kanya basta makararating lamang ito sa kanyang programa.

"That was really talked about ng napakatagal nang panahon. But AJ, If you don't want to address that question, okay lang sa akin dumating ka lang dito sa Fast Talk with Boy Abunda."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo