Breaking News: Talent Manager Na Si Ogie Diaz Nang Hinayang Sa Career Ni Liza Soberano, Alamin !!

Biyernes, Pebrero 24, 2023

/ by Jerome

 

Talent manager na si Ogie Diaz may panghihinayang na nararamdaman sa dating alaga nito na si Liza Soberano.


Napag usapan daw kasi nila si Liza sa showbiz update dahil usap-usapan daw kasi ang nangyari sa Instagram account ng dalaga, na inakala ng mga tagahanga nito na ito ay na hack. 


Nagtataka nga daw si Ogie kung bakit siya pa din daw ang tinatanong ng mga netizens ukol sa actress gayong hindi na naman daw siya ang Manager ng actress. 


Matatandaang nasa pangangalaga na ng Talent manager at actor na si James Reid si Liza ngayon.


Saad ni Ogie na, "Ang naka rating sa atin ay hindi naman talaga na hack ang account ni liza parang nilinis lang daw ito at yong mga post ay parang naka hide lang o tinanggal na yan ay hindi natin alam paglilinaw niya."


Noong isang araw nga lang ay nag post na ang actress sa kanyang Instagram account, at pakiramdam nga daw nila Ogie Diaz na bagong simula na daw ito ng actress para sa career niya.


Maaari din daw na rebranding ang nangyayari lalo na din daw ay nasa ibang management na ang actress.


Pero ayon kay Ogie na kung siya daw ay tatanungin ay sana daw ay hindi na lang binura ni Liza ang kanyang mga post dahil nagsisilbi itong memories at history ng kanyang pinagdaanan.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo