Carla Abellana Inaming Nagsisi Sa Pagpapakasal Niya Kay Tom Rodriguez!

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Jerome


Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pag-amin ni Carla Abellana na siya ay nagsisisi sa pagpapakasal sa actor na si Tom Rodriguez. 

Pero bago umamin ang actress ay "no" ang naging sagot niya ng sumalang siya sa lie detector test challenge na mamapanood sa vlog ng kapwa niya Kapuso actress na si Bea Alonzo. Nakatuon naman ang mga tanong ni Bea sa nawasak na relasyon ng dating mag-asawa na si Carla Abellana at Tom Rodriguez. 

Isa sa mga tanong ni Bea ay kung nakakita ba daw siya ng red flag sa relasyon nila ng dating asawa na binaliwala lang niya, "yes" ang naging tugon ng lie detector machine, "I am honest enough to say na I have regrets." Payo niya rin na wag baliwalain ang red flags pag nasa relasyon. 

At sa tanong naman na kung pinagsisisihan ba niya ang pagpapakasal sa dating asawa ay sabi niya na "Lagi kong nire-ready ang sarili ko para sa tanong na yan na wala pa namang nagtatanong, tapos di ko parin alam kung ano ang isasagot ko." 

Pero "no" ang unang sagot ni Carla hindi daw niya pinagsisisihan na ikinasal siya kay Tom. Pero lie ang result ng lie tetector machine, kaya ipinaliwanag niya kay Bea, "Gusto kong sabihin 'no' dahil yun bang kung paano tayo pinalaki sa kultura natin, dahil Catholic din ako na parang hindi, no regrets, dapat kasi part yan ng plan ni God."  

Final answer naman daw ni Carla ay yes ang sagot niya.


 

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo