Carla Abellana Isiniwalat Na Ang Paulit-Ulit Na Panloloko Sa Kanya Ni Tom Rodriguez Sa Fast Talk Witk Boy Abunda!

Biyernes, Pebrero 17, 2023

/ by Lovely


Sa guesting ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa pinag-uusapang programa ni Boy Abunda sa GMA7 na 'Fast Talk with Boy Abunda' isiniwalat ng aktres ang naging dahilan ng hiwalay nila ng asawang si Tom Rodriguez.

Bagama't isang taon na ang nakakalipas mula ng lumabas ang mga bali-balitang naghiwalay na ang dalawa, hindi pa rin nasagot ang mga katanungan ng netizens kung ano nga ang nag-udyok kay Carla na tuluyang tapusin ang pagsasama nila ni Tom ilang buwan lamang matapos ang kanilang kasal.

Buong tapang nang isiniwalat ni Carla ang mga dahilan kaya nagtapos ang kanilang relasyon ni Tom. Ayon kay Carla, napakaraming dahilan kung bakit sila naghiwalay, pero ang sabi niya ang bottomline ay umabot na siya sa breaking point.

"Napaka daming dahilan. But basically, bottom line po is kumbaga umabot na po sa breaking point. Sobra na po," pagsisiwalat ni Carla.

Inis-isa pa ng aktres ang naging dahilan kaya tuluyan na niya tinuldukan ang relasyon nilang dalawa.

"There was still disrespect, all the lying, and all that. There was no change. Hindi po ‘yon first time na nangyari sa’min pero ito po ay taken to a different level. Extreme na po, mas malala na," saad ni Carla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo