Kauna-unahang pagkakataon nagpa unlak sa isang panayam ang beauty queen na si Celeste Cortesi matapos ang kanyang pagkabigo na maiuwi ang korona ng Ms. Universe sa bansa ngayon taon.
Aminado si Celeste Cortesi na dumaan siya sa matinding kalungkutan matapos matalo sa Miss Universe 2022 pero naniniwala siyang ginawa niya ang lahat para manalo para sa Pilipinas.
Matatandaang nabigo ang Fil-Italian beauty queen na makapasok sa top 16 sa nasabing pageant, na ikinalungkot ng maraming Pinoy at pageant fans dahil ito ang unang pagkakataon na hindi nakapasok ang Pilipinas sa top 16 mula noong 2010.
Sa kanyang panayam kay Boy Abunda sa programang Fast Talk, inamin ni Celeste na labis ang kalungkutang kanyang pinagdaanan matapos mabigo sa nasabing kompetisyon.
“Alam mo Tito Boy I really put so much hard work, effort, and time into this and I really wanted to win not just for myself but also to my country,” pahayag ni Celeste.
Inamin din ni Celeste na sobrang pressure ang kanyang naramdaman matapos ang kompetisyon dala na rin ng mga nababasa niyang komento mula sa mga fans.
“Sobrang hirap para sa akin kasi of course mataas ang expectations from others and also from me."
"I really thought I got this all I have to do is to work very hard and I will get it but at the end of the day we also need to understand that judges were looking for something else and it is fine,” pag-amin pa ni Celeste.
Inamin pa ng beauty queen na nakaranas siya ng depression sa loob ng ilang linggo, buti na lamang at naroon ang kanyang mga mahal sa buhay upang tulungan siyang bumangon muli.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!