Labis na ipinagmamalaki ng aktres na si Cherry Pie Picache ang pelikulang Oras De Peligro na idinirek ni Joel Lamangan.
Ipinahayag pa niya na dapat sa panahon ngayon ay mamulat ang lahat upang aasenso naman ang bansa.
“I think yun nga, one of the beauty of the film is actual and factual footages that happened during 1986 is going to be shown. Ngayon, papaano makakapagsinungaling yun? At yun ang importante na mapanood lalung-lalo na ng mga kabataan na hindi naranasan yung EDSA Revolution. Tapos sana, ahhhmm yun din, di ba, in our own little way, through the film, sana nga mamulat na ang taumbayan. Kasi paano tayo aasenso kung hindi mulat ang mga mata natin?" pagpapahayag ni Cherry na tila may pinapasaringan pa.
Samantala, ayon pa kay Cherry Pie na handa naman siyang tanggapin na gumanap sa papel ni Sen. Imee Marcos subalit hindi kapag si Darryl Yap ang magiging direktor. Dahil para sa kanya, hindi niya alam kung may konsensya pa ba umano ito sa lahat ng pinaggagawa nitong pelikula.
“Ewan ko. May konsensiya pa ba siya?” makahulugang sabi ni Cherry Pie.
Nilinaw naman ni Cherry Pie na wala siyang galit kay Darryl Yap. Pinapanindigan lamang umano niya ang kanyang paniniwala. Muli pang iginiit ng aktres na base sa history ang kanilang pelikula at wala itong binago at hindi na kailangan pang i-edit dahil ito umano ang totoong nangyari.
Agad namang sinagot ni Darryl Yap ang mga pahayag na ito ni Cherry Pie Picache.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!