Cherry Pie Picache Sinupalpal Ni Direk Darryl Yap/Ginagawang Election Ang Mga Pelikulang Ipapalabas?

Lunes, Pebrero 13, 2023

/ by Jerome

 

Marami ang ginulat ni Cherry Pie Picache sa katatapos lamang na media con. para sa pelikulang Oras De Peligro na idenirek ni Joel Lamangan. 

Matapang at diritsahang sinagot ng actress ang mga tanong ng press na may kaugnayan kay Derek Darryl Yap, "may kunsensiya paba siya?", ito ang sagot ng actress sa mga press kung sakali daw na alukin siya na gumanap na sa character na Mrs. Emilda Marcos at si Darryl ang mag-dederek. 

Dagdag pa niya na, "magpapadirek ako kung willing siyang magsabi ng totoo tulad ng mga sinabi ni Atty. Howard pero kung hindi salamat po pero wag nalang." Dahil sa mga sinabing ito ng actress ay agad naman itong sinagot ni Derek Darryl Yap.

"Aking Reaksyon tungkol sa Pahayag  ni Ms. Cherry Pie Picache. Tinatanong po ni Miss Cherry Pie Picache kung may konsensya pa raw ba ko dahil sa mga Marcos films na ginagawa ko.

Sasagutin ko po ang tanong nya, 

ng dalawang tanong.

1. Alin kaya sa eksena sa #MAIDinMALACAÑANG at #MARTYRorMURDERER ang hindi totoo, napanood na ba nya ang #MIM, kasi ang #MOM ineedit ko pa. Ano sa loob ng mga gawa ko ang kasinungalingan?

2. Napakahusay umarte ni Miss Cherry Pie, pero ngayon lang ako parang naOAyan sa kanya (actually pangalawa na pala ito, una nung umiyak sya sa kampanya ni Leni at para siyang CEO na isang pyramiding company na sumisigaw ng MANGHIKAYAT KAYO!) 

ito, seryosong tanong Miss.

Napanood ko kasi kung paano mo pinatawad ang pumatay sa Nanay mo, ang pagsabi mo ng magagandang bagay patungkol sa pangtanggap at pagbibigay katwiran sa mismong kriminal na pumatay na Nanay mo— naisip ko, YUNG PUMATAY SA NANAY MO, NAYAKAP MO.

sigurado kang may kabutihan sa kanya—

Ako, na gumagawa lamang ng pelikula (na dahilan kung bakit kayo may pelikula) AKO ANG TINATANONG MO KUNG MAY KONSENSYA?

at wag po kayong mag-alala; wala naman po akong deklarasyon na gusto ko kayong makatrabaho."

Kasunod nito ay ang influencer na si Shanwein ay may binanat din na kumento sa actress,  "mga DIRECTOR ng kasabay na movie ng MARTYR OR MURDERER - hindi po ito election, pelikula lang po ito - di uupo sa public office si Direk Darryl para siraan ng siraan.

YAYAMAN LANG SYA NG HIGIT SENYO. And even if wala ang MARTYR OR MURDER NA sinasabayan nyo - mag flop pa rin yan - based na yan sa track record ng previous movie nyo .. wala pa nga Maid in Malacanang, nag flop ang ang KATIPS.
Wag mong sabihin Vince Tanada na hindi mo twice pina labas sa Pilipinas ang KATIPS.
Umaariba ka pa CHERRY PIE PICACHE - kung maka salita ka as if kukunin ka ni DIREK DARRYL YAP sa last installment ng trilogy na ito.
ma'am doon lang po tayo sa makakatutuhanan -don't be delusional."

All react

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo