Coco Martin Binantaan at Binatikos Ng Mga Muslim Dahil Sa Batang Quiapo Muslim Issue

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Jerome

 


Actor-Director na si Coco Martin binatikos ngayon ng mga kapatid nating Muslim dahil daw umano sa isang scene sa serye ng Batang Quiapo na kinunsenti ng mga Muslim ang pagnanakaw. 

Kailan pa naging tama ang mali, ganito nga ngayon binatikos ng mga Muslim ang episode ng pagnanakaw scene ng Batang Quiapo. Simula nga ng pinalabas ang pilot episode ng inaabangan ng mga manonood na pagbabalik serye ng Primetime King na si Coco Martin. Inaasahan nga itong trending na serye, subalit sa ilang episode nito ay binatikos ng mga kapatid nating Muslim ang saklaw na scene ng serye. 

Sa mismong scene nga ng character ni Coco na bilang Tangol ay nagnakaw nga ito ng isang alahas sa isang babae, sa mismong pagnanakaw scene ng Batang Quiapo. At tila nga hindi natuwa ang mga Muslim sa kabuohang senaryo pagkat parang pinapakita daw ng palabas na ito na masasama ang mga Muslim at tila kinukunsenti pa daw nito ang pagnanakaw, kaya marami ang nagalit at nagkumento na mga muslim ukol dito. 

Heto naman ang mga naging mensahe o mga naging kumento ng ibang mga kapatid nating muslim ukol dito. 

"Panawagan sa mga kapwa kung Muslims para i-Boycott itong show  FPJ's Batang Quiapo . Kahit kailan ay hindi kino-konsente ng Islam ang pagnanakaw. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal ng Islam. Sinabi ng Allah sa Qur'an وَالسَّارِقُ وَالسَّارِقَةُ فَاقْطَعُوا أَيْدِيَهُمَا جَزَاءً بِمَا كَسَبَا نَكَالًا مِّنَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ "Ang mga magnanakaw, lalaki man o babae, puputulin ang kanilang mga kamay bilang kabayaran sa kanilang ginawa". (Qur'an 5:38) 

At nabanggit sa isang Hadith, Sahih Bukhari Wa Muslim, kung saan ang Propeta Muhammad Sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay sumumpa sa Allah, na kung sa kaling nagnakaw si Fatima, ang kanyang anak, tiyak na ipapaputol nito ang kanyang kamay. 

Misleading po ang Episode ng FPJ's Batang Quiapo kagabi. Very opposite sa teaching ng Islam ang ipinakita nila, kung saan okay lang daw na magnakaw si Coco Martin  bastat ginagamit niya ito sa pag tulong sa mga tao! Kapag habulin pa daw siya ng Police sa sunod, takbo lang daw ito sa kanila! Kailan pa naging tama ang mali Abs Cbn?"

Tinutukoy nga sa comment ang naging scene na pag-uusap ni Tanggol at ng mga muslim at dito nga pinanggigilan ng mga muslim ang mga katagang sinabi sa scene na, "Ang mabuti tumutulong ka sa kapwa mo, muslim man yan o christiano." 

Kaya tinatanong naman ng mga nag komento na kailan ba daw naging tama ang mali. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo