Coco Martin Binulgar Ang Totoong Maling Nagawa Sa Buhay....

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Jerome

 

Aminado ang actor na si Coco Martin na hindi naging madali para sa kanya ang mga pinagdaanan niya sa buhay, bago daw niya marating ang mga bagay na mayroon siya ngayon. 

Ang mga naging karanasan daw niya ang nagpatibay sa kanya upang maging mas matapang at mas lalo pang magpursigi para maabot niya ng kanyang mga pangarap sa buhay. 

Matapos ang kanyang pinagbidahang teleserye ang pinakamahabang teleserye sa Philippine television na FPJ ang Probinsyano, ay muli naman siyang bibida sa adaptation ng dating blockbuster film ng yumaong King of Pilipino movies na si Fernando Poe Jr. na ang pamagat ay ang Batang Quiapo. 

Bukod naman sa pagiging bida ay isa din umano siya sa sumulat ng kuwento at siya ay direktor din ng nasabing teleserye. Ang kanyang magiging leading lady ay si Lovi Poe na anak ng yumaong si Fernando Poe Jr. 

Subalit sa layo na daw ng narating ng actor ay hindi niya mapigilan ang magbalik tanaw sa kung paano siya nagsimula. Ikweninto niya na noong una ay hindi naman talaga daw niya hinangad na maging isang artista masaya na daw siya noong pa extra-extra lamang siya at kumikita ng sapat na para sa kanyang pamilya,  hindi daw niya akalaing mapapamahal siya sa larangan ng pag-arte at magiging daan ito para magkaroon pa siya ng oportunidad na maging isang director. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo