Coco Martin, Lalaki Ang First Kiss!

Biyernes, Pebrero 24, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ng aktor na si Coco Martin sa isang panayam ng isang showbiz magazine kung sino ang kanyang first kiss on screen.


Kamakailan lamang ay nakatsikahan ng isang showbiz entertainment sites sina Coco Martin at Jodi Sta. Maria kung saan naitanong nga sa kanila kung sino ang kanilang first kiss bilang mga artista.


Agad naman itong sinagot ni Jodi Sta. Maria at sinabing ang first kiss niya bilang aktres ay si Patrick Garcia.


Samantala hindi naman nagdalawang isip si Coco Martin at sinabing ang kanyang first kiss bilang actor ay walang iba kundi si Allan Paule sa pelikulang “Masahista”.


Napahagalpak naman sila ng tawa ni Jodi Sta. Maria sa pagsisiwalat na ito ni Coco Martin.


“Walang tatalo doon,” hirit pa ni Jodi.


Matatandaan na  bago sumikat ay naging indie actor muna si Coco at kabilang doon ang pagbibida niya sa “Masahista” noong 2005.


Inamin din ni Coco sa interview na noong nagsisimula pa lamang siya bilang indie actor ay P2,000 lamang na talent fee ang natanggap niya para sa buong pelikula na siya ang bida.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo