Confirmed: Maja Salvador, Ikakasal Na Sa Darating Na Hulyo Ngayong Taon!

Biyernes, Pebrero 17, 2023

/ by Lovely


Kinumpirma na ng kampo ng aktres na si Maja Salvador, ang kasalang Maja Salvador at Rambo Nuñez sa darating na Hulyo ngayong taon.

Matatandaan na naglabasa ang tsismis tungkol sa di umano’y pagpapakasal ni Maja noong nakalipas na Valentine’s Day. Kaya naman mismong ang King of Talk na si Boy Abunda ang gumawa ng paraan para alamin ang katotohanan ukol dito.

Sa programa ni Tito Boy na “Fast Talk with Boy Abunda,” nitong Huwebes, sinabi nito na nakipag-ugnayan siya sa handler ni Maja. Ibinigay naman umano nito ang ilang detalye sa kasalang magaganap. 

“Maja at Rambo have always been generous to the public about many things in their life but of course, they keep certain things private and again, we respect that. Pero sinabi sa’min na ang kasal ni Maja at Rambo ay magaganap July of 2023,” lahad ni Tito Boy.



Inanyayahan naman nito ang aktres na maipag-usap sa kanya para mapag-usapan nila ang nalalapit na pagpapakasal nito.

Matatandaan na noong Abril ng nagdaang taon isinapubliko ni Maja Salvador ang engagement nila ni Rambo Nunez.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo