Cosplayer Alodia Goseingfiao, Malapit Na ang Kasal! Nagpa-Bachelorette Party Na!

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Lovely

 

Matapos ma-engaged sa entrepreneur na si Christopher Quimbo noong nakaraang taon, excited na si Alodia Gosengfiao sa nalalapit nilang kasal. Sa kanyang pinakabagong post, ang cosplayer at businesswoman ay nagpahiwatig ng malapit nang mangyari na kasal.

Makikita pa sa kanyang post na kasama niya ang ilan sa malalapit niyang kaibigan sa kanyang kamakailang bachelorette party.

“Mars.. What’s the latest? = Marites 🤓 Jk! Last few days on earth as a solo laner 😌 Transferring to duo lane soon,” caption ni Alodia sa kanyang Instagram post.

Matatandaan na matapos inanunsyo sa lahat ang kanilang engagement ni Christopher noong July 2022, ibinahagi ni Alodia sa kanyang mga followers na  naghahanda sila sa isang magarbong selebrasyon.

“For some, it takes a lifetime to find true love. But for the lucky ones, a lifetime is merely enough to share the love they’ve found. I guess I couldn’t imagine a life without him. Everything’s just falling into place na parang hindi siya pilit, hindi nira-rush or something, parang napakaganda lang. It’s very pure,” pagbabahagi pa ni Alodia.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo