Cristy Fermin, Binalikan ang Galit ni Dating PNoy Kay Kris Aquino!

Lunes, Pebrero 13, 2023

/ by Lovely


Muling binalikan ng kolumnistang si Cristy Fermin sa isang episode ng kanyang programa ang nakarating sa kanya na dahilan ng hindi pagkakaunawaan noon ng magkapatid na Dating Pangulong Noy Noy Aquino at Kris Aquino.

Inilabas ni Cristy Fermin ang kanyang saloobin sa isang episode ng Showbiz Now Na hinggil sa mga inilabas na post ni Kris Aquino sa mahahalagang araw ng kanyang buhay kagaya na lamang noong kaarawan ng ina at ng kapatid.

Ayon kay Cristy Fermin, may alam siya sa naging hidwaan noon nina Kris Aquino at Dating Pangulong Noynoy Aquino.

"At meron akong alam na isang dahilan kung bakit galit na galit ang kuya niya sa kanya," pahayag ni Cristy Fermin.

"Oo, sobrang galit. Isang kaibigan ni PNoy ang tumawag sa kanya. Bakit ganito 'yung kapatid mo? Nagpapahanap ng alam mo na," pagdedetalye pa nito na sinundan pa ng "Bakit kailangang dumating sa point na ganun? Saka galit na galit sila sa isyu ng pagpaslang," dagdag pa ni Cristy Fermin.

Ito umano ang naging dahilan kung bakit hindi na sumasama noon si Kris sa mga events ni PNoy at maging ang anak nitong si Josh ay hindi na rin nakakasama ng kanyang kapatid.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo