Cristy Fermin Hindi Pa Maibalik Ang Condo Unit Na Bigay Ni Willie, Wala Raw Dokumento!

Linggo, Pebrero 19, 2023

/ by Lovely


Ipinahayag ni Cristy Fermin sa isang episode ng kanilang programa na hindi pa rin niya naisasauli ang condo unit na isinumbat sa kanya ng TV-host na si Willie Revillame.

"Paano isosoli ang isang property kung wala namang pinanghahawakang dokumento ang pinagbigyan?" tanong ni Cristy Fermin dahil mula pa umano noong ibinigay sa kanya ni Willie ang unit noong 2017 ay wala naman itong ibinigay na papeles sa kanya.

Nang makausap umano ni Cristy Fermin ang admin ng Wil Tower tungkol sa pagso-soli ng unit ay sinabihan umano siya na iko-konsulta ito sa property manager para sa proseso ng pagsa-sauli.

Nabanggit pa ng taga-Wil Tower admin na kapag turn over na ang titulo ng unit kay Revo na anak ni ‘nay Cristy ay sila na ni Willie ang mag-uusap tungkol sa pagbabalik ng unit.

“Naisip namin, si Willie sinumbat-sumbatan ako tungkol sa unit na ‘yun, e, ni kapiranggot na dokumento pala, e, wala naman kaming hawak. Mula po noong 2017 hanggang ngayon na nagsasalita ako wala pong dokumento,” natatawang pahayag na lamang ni Cristy Fermin.

“E, ito pong sinasabi ni Willie na unit kahit po sa takip ng Choc Nut, e, wala naman kaming papel na hawak, walang dokumento ano ang ibabalik namin?

Nagsumbat-sumbat siya, ipinahiya niya kami sa buong bayan wala naman pala siyang hawak na ebidensiya,” pagpapahayag ni Cristy Fermin.

Ipinaalala pa ng right hand ni Manay Cristy Fermin na si Tina Roan ang buwan-buwan nilang pagbabayad ng monthly dues simula noong 2017 tapos wala naman palang katibayan nap ag-aari nila ang unit.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo