Cristy Fermin, Isiniwalat Ang Mabahong Sikreto ni Vice Ganda!

Linggo, Pebrero 12, 2023

/ by Lovely


Naging laman ng kamakailang talakayan nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa isang episode ng Showbiz Now Na ang It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Ion Perez at Karylle.

Ayon sa kanila, napakatalas umano ng dila ni Vice Ganda at maging si Ion Perez ay nahawa na umano rito. Naungkat ito ng tatlo kasunod ng trending na balitang tila binabastos atv dini-disrespect na ni Vice si Karylle na isa sa mga original hosts ng It's Showtime.

Pagsisiwalat na ni Manay Cristy Fermin na may nakapagsabi umano sa kanya na na-iinsecure si Vice sa kung sinong celebrity kahit pa sa mga hindi niya ka-genre sa comedy.

“Si Ion na kung ituring ng ating mga kababayan ay ibong nakatuntong sa ibabaw ng kalabaw, pero ngayon ay umaakto na ring kalabaw,” banat ni Cristy Fermin sa karelasyon ni Vice Ganda.

Dagdag pa ng kolumnista, “Matalas ang dila ng Ion. Napakatalas ng dila. Matapos niyang sabihin na may nagtanong daw sa kaniya, ‘Bakit ka pumatol kay Vice? Bakit sa beki?’ Anong sagot niya, ‘Alangan namang pakainin ko pamilya ko ng buhangin…’ so aminado siya na comfort, future ang kaniyang ano… ‘di ba… matalas ang dila ng Ion, parang sumasabay na kay Vice.”

Samantala maging ang nakalipas nang tsismis noon ay muling naungkat sa kanilang vlog.

“Napakalapit sa kaniya na nagkuwento sa akin, tutal din lang tinatawag mo kaming tatlo na mga tsismosong chaka ‘di ba? Okay, hindi ka namin papatulan pero may kukuwento kami. Hindi mo kami mapipigil. Mga taong malapit sa’yo ang nagsasabi na ang hininga mo raw ay amoy-imburnal,” pagbubulgar ni Cristy Fermin.

Dinagdagan naman ito ng kanyang mga kasamahan at sinabing ang amoy umano ni Vice ay parang nabubulok na daga, sabay tawanan.

Hindi pa naman nagbigay ng reaksyon si Vice Ganda hinggil sa isyung ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo