Muling naging hot topic ang host na si Willie Revillame sa kanilang talakayan sa programang Cristy Ferminute.
Nag-react ang beteranong showbiz columnist sa naging pahayag ni Willie tungkol sa kanyang P10,000 financial assistance sa ilang reporters noong kasagsagan ng pandemic.
“Dalawang taon, hindi ko pinutol yan,” pagsisiwalat ni Willie Revillame.
Kaya naman binigyan ito ng liwanag ni Manay Cristy sa kanyang programa.
“Noong isang araw po kasi ay mayroong isinigaw si Willie Revillame sa kanyang programang Wowowin," panimula ni Cristy Fermin.
"Isinumbat niya sa mga reporters na noon daw pong panahon ng pandemya, 'Sino bang nagbibigay sa kanila ng 10,000 a month? Ako ang nagbigay sa kanila ng pambili ng bigas sa loob ng dalawang taon sa pandemya,'” pagsasalaysay pa ni Manay Cristy.
Iwinasto naman ito ni Cristy Fermin upang malinawan na ang lahat sa mga hugot ni Willie Revillame.
“Ako na po ang magko-correct.
“Kasi sabi nga niya, 'Yung mga tao, yung mga reporters, yung mga artista mahihirap na inilalapit po sa akin, pinagbigyan ko naman ah,' parang ganu'n. So sige po, ako na po ang naging tulay ng mga manunulat na talaga naman pong kahit hindi magsalita ay alam ko naman pong nahihirapan.”
Paglilinaw pa ni Cristy sa pahayag ni Willie na isa lamang itong kalokohan at walang katotohanan.
“Iko-correct ko lamang po, dalawang taon mahigit po ang pandemya. Hindi po totoo yung kanyang sinabi na sa loob ng dalawang taon na umiiral ang pandemya ay nagpapadala siya ng sampung libo sa mga reporters. Isa pang malaking kalokohan 'yon."
"Alam na alam ko po 'yon dahil sa amin po dumadaan sa Gallery, pinadadala niya kay Edith 'yung halagang pinadadala niya. At hindi po 'yan tumagal ng isang taon, mga ilang buwan lamang po 'yan,” prangkang pahayag ni Cristy Fermin.
Higit pa rito, binigyang-diin ni Cristy ang kahalagahan ng mga reporter sa mga karera ng mga showbiz personalities.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!