Puring-puri ng kolumnistang si Cristy Fermin ang Kapamilya actor na si Coco Martin sa pagtulong nito sa mga beteranong aktor na tila ba ay nakalimutan na ng industriya, katulad na lamang ng kilalang kontrabida noon na si Pen Medina.
Si Pen Medina ay kasama ngayon sa cast ng bagong teleseryeng pinagbibidahan at idiniderek ni Coco Martin na Ang Batang Quiapo.
Samantala, matatandaan na noon media con para sa nasabing teleserye, ipinahayag ni Pen Medina ang labis na pasasalamat kay Coco Martin dahil sa pagbigay sa kanya ng pagkakataon na muling makapagtrabaho.
Isiniwalat ni Pen Medina na noong siya'y na-ospital at kailangang operahan, binigyan pumano siya ng malaking tulong ni Coco Martin.
Kaya naman, ayon kay Cristy Fermin taliwas umano ito sa ginagawa ni Willie Revillame na panunumbat sa lahat ng mga natulungan nito lalong-lalo na noong pandemya.
"Ang pagtulong po ni Coco Martin kay Tito Pen (Medina), pinuri po ng ating mga kababayan. Dahil 'yan po ay sinabi ni Tito Pen Medina sa media Con, sa press con ng batang Quiapo na kasagsagan naman ng issue ng panunumbat ni Willie Revillame sa mga taong natulungan niya," ani Cristy.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!