Cristy Fermin, Kontra Sa Pahayag Ni Sen. Robin Padilla Ukol Sa Bullying!

Martes, Pebrero 14, 2023

/ by Lovely


Sa pinakabagong episode ng kanyang talk show, tinalakay ng kolumnistang si Cristy Fermin ang naunang pahayag ni Sen Robin Padilla tungkol sa pambu-bully kay Romel Chika.

Naging headline si Sen. Robin matapos ipahayag ang kanyang tapat na mga saloobin at opinyon tungkol sa pisikal at mental bullying sa Senate hearing para sa implementation nng Anti-Bullying act partikular na sa mga paaralan.

"Nagkataon na si Senador Robin ay pumanig na yung physical bullying, okay lang sa kanya. Sinusundot-sundot ka lang naman daw at tinutulak-tulak, okay lang sa kanya yun," pahayag ni Cristy Fermin.

Ibinahagi ni Cristy ang sentimyento ng ibang netizens, lalo na ang mga ina, na negatibo ang naging reaksyon sa pahayag ni Sen.

"Aba, sumagot ang ating mga kababayan, lalo na ang mga dakilang ina ng tahanan. 'Hey, Mr. Robin Padilla, libre naman ang common sense. Baka naman gusto mong pumakyaw diyan? Ang anak ko, I raised them na hindi ako papayag na saktan sila physically. Kung ako nga, hindi ko pinagbubuhatan ng kamay ang mga anak ko, papayag ako na iba ang manakit?'" pahayag pa  ni Manay.

Ayon pa sa kanilang talakayan tila nasasabi lamang ni Robin ang mga pahayag na ito dahil hindi naman nakakaranas ang kanyang mga anak ng bullying.

"Pag si Daniel Padilla ba, dinaguk-dagukan sa harap niya, papayag siya? Syempre hindi diba? Dahil yun ay isang physical bullying. Ano yun? Pipitikin ka sa ilong, pipitikin ka sa tenga, itutulak ka, dadagukan ka, babatukan ka, papatirin ka, papayag ka? Ako rin, hindi ako papayag na ganun," pagdidiin pa ni Cristy Fermin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo