Cristy Fermin Naaawa Kay Liza Soberano Pero Naiintindihan si Ogie Diaz!

Linggo, Pebrero 26, 2023

/ by Lovely


 Nakakarelate umano si Manay Cristy Fermin sa nararamdaman ngayon ng talent manager na si Ogie Diaz ngayong iniintrigang muli ang dati niyang alaga na si Liza Soberano.


Isa na rito ang pagsisiwalat ni Ogie Diaz nang mga na-pitch na mga projects ng ABS-CBN para sa tambalang LizQuen na hindi inaprubahan ng dalawa. 


"Naaawa ako kay Liza Soberano pero ramdam ko si Ogie Diaz nung nagsalita siya na nanghihinayang ako kasi pinaghirapan naming lahat ito," pahayag ni Cristy Fermin.


"Hindi naman sumikat si Liza Soberano dahil lang sa kanyang ganda. Dahil sa kanyang pag-arte, kinailangan niya ng isang manager na magbebenta sa produktong ito para siya'y umangat," pagpupunto pa ni Manay Cristy Fermin.


"Ramdam na ramdam ko, tumatawid sa'kin si Ogie Diaz na ito 'yung obra maestra. Sama-sama natin itong pinaghihirapan. Lahat tayo ay naghirap para magtagumpay itong si Liza pero parang nabalewala lang," dagdag pa ni Cristy Fermin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo