Cristy Fermin, Nagulat Sa Paghingi ng Tawad sa Kanya ni Willie Revillame!

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Lovely


Isiniwalat ni Cristy Fermin sa kanyang programa ang paghingi ng tawad ni Willie Revillame sa kanya matapos ang masasakit na pahayag nito na inilabas mismo sa kanyang programang Wowowin nitong myerkules February 8, 2023.

Sa pinakahuling episode ng “Cristy Ferminute,” unang inalala ng beteranong kolumnista sa showbiz ang mga naunang pananalita ni Willie na nasaktan siya.

“Marami tayong giyerang pinagsaluhan. Ang dami nating giyerang pinagsamahan. Ako talaga, hindi ko akalain na magagawa mo sa akin ang sumbatan ako na ako'y binigyan mo ng isang condo unit at ng isang sasakyan na alam nating dalawa sa sarili natin na pinagtrabahuhan ko sa iyo. Hindi ko ito hiningi, hindi mo basta ito ibinigay nang walang dahilan. Alam mo yan, na ito ay produkto ng ating transaksyon," mariing pahayag ni Cristy Fermin. 

Ipinahayag din niya ang kanyang prangkang saloobin hinggil sa paghingi ng tawad ni Willie Revillame sa kanya.

“Pero dahil nagpakumbaba ka na kagabi, nag-very un-Willie, hindi ikaw 'yan e. Ang inaasahan ko hindi ka nga hihingi ng pasensya. Hindi ka hihingi ng tawad, hindi ikaw 'yan. Pero kagabi pinatunayan mo sa akin na marunong ka nang tumanggap ng pagkakamali, Maraming maraming salamat sa'yo dahil nabuksan ang puso mo sa katotohanan na ang tama ay tama at ang mali ay mali.”

Inihayag pa ni Manay Cristy Fermin na hindi niya umano lubos akalain na magpapakumbaba si Willie. Alam din umano ni Cristy na sincere naman ito sa paghingi ng tawad sa kanya na siyang ikinapapasalamat niya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo