Cristy Fermin, Parehong Pinuna Sina Vice Ganda, Kim Atienza!

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Lovely


Naging mainit ang talakayan nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang latest episode ng Cristy Ferminute hinggil sa isyu nina Vice Ganda at Kuya Kim Atienza.

Kasama sa kanilang talakayan ang  binitiwang pahayag ni Vice Ganda sa isang episode ng It's Showtime na 'Ikaw talaga Kuya'. Bagama't hindi pinangalanan, malaki ang paniniwala ng ilang mga netizens na si Kuya Kim ang tinutukoy ni Vice Ganda.

Sinabi ni Vice Ganda ang nasabing pahayag kasabay ng pagbibigay ng kanyang saloobin sa mga akusasyong hindi niya iginagalang si Karylle sa kanilang show na It's Showtime.

Samantala, maging si Cristy Fermin ay malaki ang paniniwala na si Kuya Kim talaga ang pinapatungkulan ni Vice Ganda.

“Lulugar tayo sa gitna sa pagkakataong ito dahil sila naman ay magkaibigan at labas tayo sa kanilang pinag-aawayan,” pahayag ni Cristy Fermin.

Kasunod nito, ipinahayag ni Cristy  Fermin ang prangkang komento patungkol sa dalawa.

“Ito kasi namang si Kuya Kim ano, parang bawang na rin ito e. Sawsaw sa lahat ng lutuin. Kung bakit pagka may issue, nakikisawsaw siya, nakikihalo kahit hindi na dapat.” 

“Ito namang si Vice Ganda, ang tingin naman sa sarili niya ay siya ay untouchable. Na sa lahat ng mga personalidad, hindi siya maaaring kontrahin. Na para bang si Vice Ganda ay kaisa-isang anak ng Diyos sa showbiz na pwedeng laruin ang kahit sino, kayang i-bully ang kahit sino. Pero kapag siya na ang pinapansin, nagwa-warla siya, nagagalit siya.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo