Cristy Fermin Pinabulaanan Ang Isyung Makukulong si Luis Manzano!

Miyerkules, Pebrero 15, 2023

/ by Lovely


Ang aktor host namang si Luis Manzano ang naging laman ng talakayan nina Manay Cristy Fermin sa latest episode ng Cristy Ferminute nitong February 15, 2023.

Nilinaw ng kolumnista ang naglabasang isyu hinggil sa paglabas ng warrant of arrest para kay Luis mula sa NBI.

“Kesyo nag-issue na raw po ng warrant of arrest ang NBI para dakpin si Luis Manzano. Meron pang isa, sinugod na sa bahay niya si Luis Manzano para dakpin,” pagbabahagi ni Cristy.

Paglilinaw pa ni Cristy Fermin, “Wala pong katotohanan 'yan, mga kapatid. Ang pinadala lang po sa kanya ay subpoena. Ang subpoena po, kapag may nagrereklamo na isang panig, natural lamang po na padalhan 'yung inirereklamo. Subpoena lamang po 'yon na kailangang sagutin ng inirereklamo para magpatuloy po ang usad ng kaso.”

Ipinahayag ni Cristy Fermin ang kabaibahan ng warrant of arrest at subpoena.

“Ang warrant of arrest po ay hindi po pupwedeng kasabay na ini-issue ng subpoena. 'Yun pong subpoena, sa Tagalog, patawag. Imbitasyon para ilahad mo naman ang iyong panig sa isyu na pinagtatalunan.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo