Cristy Fermin, Sinabing Limitado Ang Friends ni Toni Gonzaga Kaya Hirap Humanap Ng Guest!

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Lovely

Si Cristy Fermin, sa pinakabagong episode ng “Showbiz Now Na,” ay nagbahagi ng kanyang matapat na opinyon tungkol kay Toni Gonzaga. 

Sa talakayan niya kina Romel Chika at Wendell Alvarez, sinabi ni Cristy, “Ako, nalilimitahan ako sa pakikipagkaibigan ni Toni Gonzaga sa kapwa artista.” 

Ipinahayag ng veteran showbiz columnist ang kanyang paniniwala na ang limitadong celebrity friends ni Toni ang dahilan kung bakit nahihirapan umano ang talk show ng aktres sa ALLTV na mag-imbita ng mga sikat na artista upang maging guest.

“Iilan lang ang mga identified na mga kaibigan niya. Si Mariel Rodriguez at saka si Bianca Gonzalez. Parang wala na tayong alam na iba pa na malalim ang pagkakaibigan kay Toni,” pahayag pa ni Cristy.

Maging sa kapatid nito na si Alex Gonzaga ay may payahag at komento rin si Cristy Fermin.

“Kay Alex din naman, wala naman tayong pupwedeng sabihing kaibigang malalim na pupwedeng i-identify kay Alex. Kulang, limitado sila.”

Sinang-ayunan naman ito ng kanyang mga kasamahan at sinabing kung totoo ngang may maraming kaibigan si Alex Gonzaga edi sana ay may nagtanggol rito noong binabatikos siya dahil sa kanyang birthday cake.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo