Cristy Fermin, sinabing na-chismis umano si Vice Ganda ng sariling kaibigan

Linggo, Pebrero 12, 2023

/ by Sparkle

 



Matindi ang pahayag ni Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! tungkol daw sa nag-iisang Unkabogable Star na si Vice Ganda.




Sabi ni Cristy, close friend daw ni Vice ang nagdala nito sa kanya.


"Tutal, tinatawag mo kaming tatlo na mga chismosong chaka 'di ba? Okay, di ka namin papatulan pero may kikwento kami. HIndi mo kami mapipigil. Mga taong malapit sa'yo ang nagsasabi na ang hininga mo raw ay amoy imburnal," ani Cristy. 


"Ang sabi niya, ang lakas-lakas ng loob niya na mamintas. Diyok ko! kung alam niyo lang, antindi ng amoy ng hininga niyan. Parang bulok na daga," dagdag pa nito. 


Dagdag pa ni Cristy, tila madalas na napapansin ang ugali ni Vice sa pakikitungo niya sa ibang tao at isa na rito ang ginawa raw niyang sagot kay Karylle sa It's Showtime.


"Kaya nga, 'wag kang mamimintas ng kapwa mo kung may maibabalik din sa'yo na resibo," ayon pa kay Cristy. 


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:




Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinatawag ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa ng mga video para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.47 million subscribers.


Samantala, nitong nakaraang taon lang, isa ang pelikula ni Vice sa mga opisyal na entry ng Metro Manila Film Festival 2022.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo