Cristy Fermin, Sinabing Nawalan Na ng 'Power' Sina Alex at Toni Gonzaga!

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa social media ang prangkang pahayag ni Manay Cristy Fermin tungkol sa magkapatid na sina Alex at Toni Gonzaga.

Samantala sa isang episode ng Cristy Ferminute, binalikan ni Manay Cristy Fermin ang naunang pahayag ni Direk Paul Soriano patungkol sa kanyang asawa na si Toni Gonzaga.

Matatandaan na ipinahayag ni Direk Paul na si Toni ay maituturing Most Powerful Celebrity sa panahong ito na agad naman inalmahan ng maraming bashers.

"Yung pelikula niya, nangulelat. Pangalawa, yung concert niya na sinasabing napuno lang dahil pinakyaw ng kanyang pamilya at ipinamigay ang tickets. Pangatlo, itong pagsasarado ng AMBS, ng AMBS-2, ALLTV, na mawawala na rin ang kanyang programang, Toni. Sabi nga nila, 'Ay wala na ang powers. Ano naganap? Ba't hindi nagtagal ang powers?' Eh isa lang naman ang nagsabi na Most Powerful Female Personality si Toni, ang asawa lang niya, si Direk Paul," pahayag ni Cristy Fermin.

Muli pang ipinunto ni Cristy Fermin na tila wala nang ibang natanggap ang magkapatid na Gonzaga kamakailan kundi puro na lamang intriga at pambabatikos mula sa mga netizens.

"Wala namang powerful. At yung powers, pagdating ng takdang panahon, nawawala yan hindi ba? Nawawala talaga yan. Kaya alam mo, talagang inaalat ang magkapatid ngayon ano? Itong Gonzaga sisters, sobra, sobrang alat. Masyadong maasim ang kapaligiran nila, mapakla, mapait. Lahat na ng pupwedeng idikit na salita ay pupwede," dagdag pang pahayag ni Cristy Fermin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo