Dabarkads Host Bet Ni Vice Ganda Kunin Maging Co-host Sa It's Showtime!

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Lovely


 May ibinuking si Ogie Diaz sa kanyang Showbiz News Update hinggil sa isang host ng It's Showtime na si Vice Ganda.


Ayon kay Ogie Diaz, na isa si Vice Ganda sa mga pinagkukunan ng desisyon ng It's Showtime. Ibig sabihin bago kumuha ng bagong hosts o magkakaroon ng bagong segment ay kinukunsulta umano nila si Vice Ganda.


Tila isa umanong Creative Consultant si Vice Ganda sa nasabing show.


Hindi naman umano ito masama dahil may kakayahan naman si Vice at matalino rin. Tinitingala din si Vice ng iba pang kasamahang hosts nila at hindi rin maipagkakailang napapasigla ni Vice Ganda ang show.


Ibinuking din ni Ogie Diaz na nakarating din umano sa kanya ang kagustuhan ni Vice Ganda na gawing guest host ang Dabarkads na si Miles Ocampo matapos ang matagumpay nitong pagganap sa Batang Quiapo.


Samantala, wala pa ring tugon kung papayag ba si Miles na maging guest host ng It's Showtime.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo