Kinabahan ang mga fans ni Dagul o Romeo Queddeng Pastrana sa tunay na buhay dahil sa isang post kung saan inakala ng marami na pumanaw na ito.
Sa nasabing post makikita ang isang black n white photo ni Dagul. Nakasulat din ang buo nitong pangalan na kadalasan ginagawa sa mga taong pumanaw na.
Subalit, kung babasahin ang buong caption ng post ay malalaman na hindi naman pala pumanaw si Dagul at isa lamang itong clickbait photo.
“Romeo ‘Dagul’ Pastrana, kilala bilang isang Filipino actor, comedian, at host sa isang sikat na TV program na Goin’ Bulilit. Nakakagulat na isipin na sa edad na 63, Kaninang 8:45am natagpuan na 83 ang kaniyang score sa videoke,” mababasa sa caption ng nasabing post.
Kaagad naman itong umani ng samu't saring komento mula sa mga netizens na inakalang pumanaw na nga si Dagul. May ilan na natatawa na lamang sa ginamit na pamamaraan sa pagpost.
Gayunpaman, may ilan pa ring nainis dahil hindi umano magandang gawing biro ang pagkamatay ng isang tao.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!