Darryl Yap Inalmahan Ang Tv Show Na Nag-Imbita Sa Kanya: ‘Huwag Po Tayong Magsinungaling!

Linggo, Pebrero 19, 2023

/ by Lovely


Hindi pinalampas ni Direk Darryl Yap ang naging pahayag ng “The Chiefs” nina Ed Lingao at Luchi Cruz-Valdes tungkol sa guesting sana niya sa rito na anila'y tinanggihan niya.

Nilinaw ng controversial director na kaya hindi natuloy ang pagge-guest niya sa show nina Luchi at Ed ay hindi dahil tinanggihan daw niya ito kundi nais niya maguest live.

Nais sanang ma-interview ng programa si Direk Darryl para sa pelikula nitong “Martyr or Murderer”, ang part 2 ng movie niyang “Maid In Malacañang” mula sa Viva Films.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ibinahagi ni Darryl kahapon ang screenshot ng natanggap niyang direct message kung saan ini-invite nga siyang mag-guest sa programa nina Ed at Luchi na The Chief.

Sa caption nilinaw ni Direk Darryl Yap ang totoong dahilan kung bakit hindi natuloy ang nasabing guesting. Ayon kay Darryl Yap hindi siya tumangging ma-interview, ang tinanggihan niya ay ang taped live interview dahil maaring may i-cut umano rito.

“I DID NOT DECLINE, I WANT A FAIR GUESTING,” paglilinaw ni Darryl Yap.

“Ang imbitasyon nyo po ay taped as LIVE, alam ko pong pwede nyong sabihing wala namang ieedit—pero NAMIMISS KO NA PO KAYO KAHIT DI PA TAYO NAGKIKITA.

“Posible pa rin po kasing maedit,

AYAW KO PO NG GANON. Kayong mga host ay nasa studio, ako via ZOOM. Papuntahin nyo ko dyan, Wag ganito,” dagdag pa ng direktor.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo