Ibinahagi ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ang kanyang opinyon sa masamang pagsusuri ni Atty. Jesus Falcis laban sa pelikulang “Ako Si Ninoy”.
Nagbigay ng kanyang saloobin ang kontrobersyal na director na si Darryl Yap sa Facebook post ng kilalang Kakampink at anti-Marcos na si Atty. Jesus Falcis.
Kasama sa post ni Falcis ang review ng pelikulang “Ako Si Ninoy,” sa direksyon ni Atty. Vince Tañada.
Itinalaga ni Falcis ang pelikulang pinagbibidahan ng singer-actor na si JK Labajo bilang dating senador Ninoy Aquino ng 1 sa 5 na rating sa isang mahabang post sa Facebook.
Ayon kay Direk Darryl Yap, marami sa kanyang mga kaibigan ang nagpadala sa kanya ng Falcis movie rating. Sinabi naman ni Darryl Yap sa isang screenshot ng Facebook post ni Falcis ang kanyang saloobin hinggil rito.
“Lagpas sampung kaibigan na ang nagsend sa akin ng Movie Review ni Jesus Falcis tungkol sa pelikulang napanood niya. Nagulat ako, na parang napuri niya ako at ang dalawang pelikula ko nang hindi niya sinasadya,” pasimulang pahayag ni Darryl Yap.
Sinabi pa ni Yap na magtataka ka kung paano napapanatili ni Xiao Chua, ang Goldwin Reviews, at ang FAMAS ang kanilang kredibilidad.
Dagdag pa niya, sa kabila ng lahat ng batikos nila sa kanyang mga pelikula, hindi niya ibabalik ang favor sa mga ito.
“Pero talagang mapapaisip ka, itatanong mo sa sarili mo kung kumusta si Xiao Chua, yung Goldwin Reviews at yung FAMAS, kumusta yung kredebilidad,” pahayag ni Darryl Yap.
“Walang halong kaplastikan, kahit pa kung anu-ano ang sinabi nilang lahat sa #MIM, hindi ko kayang ibalik ang lait sa mga yan, kasi malinaw sa akin na lahat ng proyekto ay pinaghihirapan,” paliwanag pa ng direektor.
Sa huli nagbigay pa ng mensahe si Direk Darryl Yap kay Atty. Falcis kung saan sinabi niya huwang ang trailer ang katakutan kundi ang buong pelikula.
“Kaya magrereact na lang ako sa sinabi ni Falcis na ‘NAKAKATAKOT ANG TRAILER NG #MARTYRorMURDERER.’ Hi Mr. Falcis, mas matakot ka sa buong pelikula.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!