David Licauco, ‘Natensyon’ Kay Boy Abunda! Nakaka-Awkward Nang Tanong?

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Lovely


Halatang-halata ang pagka-tensyon ng Kapuso actor na si David Licauco nang siya naman ang tinawag ng King of Talk na si Boy Abunda para sumalang sa “The Talk” ng “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan guests sila ng kaloveteam na si Barbie Forteza.

Kilala ang loveteam nila ngayong “FiLay” na nabuo dahil sa kanilang mga role sa teleserye ng GMA7 na “Maria Clara at Ibarra.” Si Barbie ang sumalang sa “Fast Talk” dahil ang mga tanong ay may kinalaman kay David at sa jowa ng aktres na si Jak Roberto.

Isa naman sa mga natanong ni Boy kay David ay kung liligawan ba niya si Barbie, sakaling single pa rin ito.

Inamin naman ni David na naka'y Barbie na ang lahat ng katangian ng nagugustuhan niya sa babae. Tila hindi naman inasahan ni David na maging ang kanyang lovelife at personal life ay uungkatin din ni Boy Abunda.

Gulat na gulat din si David na parang alam na alam ng interviewer ang kaniyang sinasabi. Nangako naman si Tito Boy na hindi niya papangalanan ang babaeng karelasyon ni David dahil pribadong tao ito.

“I know you’re separated. Naghiwalay kayong dalawa and then ang alam ko, there was another guy involved na kilala nating dalawa. Was that the reason, David, why you got back?” untag pa ni Tito Boy.

Tila naasiwa naman ang aktor at hindi kaagad na nakasagot. Maging si Barbie ay tila sinalo pa si David at sinabing, tila hindi nagugustuhan ni David ang lahat ng mga nangyayari sa kanilang usapan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo