Deanna Wong Sinisisi Sa Pagkatalo ng Kanilang Team sa Petrogazz!

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Lovely


Ibinubunton ngayon ng ilang netizens kay Deanna Wong ang sisi matapos matalo ang kanilang team sa laban kuntra Petrogazz.

Usap-usapan ngayon ng mga sport fans ang naging mainit na tapatan ng dalawang magagaling na volleyball teams na Choco Mucho Flying Titans at Petrogazz. Nakadadag pa sa init ng paghaharap ng dalawang team ang kontrobersyal na paglipat ng dating head coach ng Choco Mucho na si Coach O sa Petrogazz.

Matatandaan na usap-usapan noon na kaya natatalo ang Choco Mucho ay dahil sa strategy ng dati nilang coach. Subalit pinabulaanan ito ng isang player at sinabing wala sa coach ang pagkatalo kundi nasa player dahil sila ang nagdadala ng bola sa loob ng game.

Samantala, naging mainit na usapin na magbabago na umano ang laban ng team Choco Mucho dahil sa bago nilang coach.

Ayon naman sa ilang fans na nagbigay ng malaking advantage sa Petrogazz ang knowledge ng kanilang bagong coach sa manlalaro ng Choco Mucho.

Subalit may ilang fans na si Deanna Wong ang sinisisi dahil sa palpak umano nitong setting. May mga nagsasabi pang siya ang pinakamahina sa kanilang team sa larong ito.



Kaagad naman itong ipinagtanggol ng mga kasamahan sa team at sinabing nababasa lamang talaga ni Coach Oliver kung paano sila maglaro.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo