Dennis Trillo Todo Ang Pasasalamat!

Biyernes, Pebrero 24, 2023

/ by Jerome

 

Sobrang grateful daw ngayon ang Kapuso actor na si Dennis Trillo sa lahat ng mga manonood na sumusuporta sa kanilang teleserye na Maria Clara at Ibarra.


Nito nga lang martes February 21 ay tuluyan na ngang nagpaalam ang kanyang character bilang Crisostomo Ibarra at Simon sa nasabing serye. 


Ibinahagi nga ng actor na si Dennis Trillo sa kanyang Instagram account ang behind the scene video ng kanyang huling mga eksena sa Maria Clara at Ibarra.


Caption din ng post na ito ang kanyang pasasalamat sa masusugid nitong mga manonood. 


Saad nga ng actor sa kanyang caption, "Nais kong ibahagi ang mga kaganapan sa pagtatapos ng aking huling eksena, sa maituturing kong isa sa pinaka makabuluhan at importanteng proyektong kinabilangan ko."


Dagdag pa ni Dennis sa kanyang caption, "Nais kong magpasalamat ng buong puso sa bawat tao ng naghirap para pagandahin ang programang ito, at siyempre walang tagumpay kung wala ang mga tumatangkilik." 


"Salamat sa iyo, na minahal at nag laan ng oras para panoorin ang palabas, tenkyu🙏🤍 mahal ko kayo, hanggang sa muli."


Umani naman ng samu't saring mga komento na mula sa mga netizens at maging ng kanyang mga naging naka trabaho sa nasabing teleserye.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo