Dina Bonnevie, Inaming Duda Noon Si Danica Sotto Kay Pauleen Luna!

Linggo, Pebrero 12, 2023

/ by Lovely


Nagkaroon ng isang explosive at honest na interview si Dina Bonnevie sa YouTube channel ni Ogie Diaz. 

Sa nasabing panayam, ibinunyag ni Dina na nang ikasal siya kay Deogracias Victor Savellano noong 2012, very wary sa kanya ang mga anak ng huli sa dati nitong karelasyon. Gayunpaman, nagbago ang isip ng mga anak ni Deogracias matapos makita kung gaano sila kamahal at inaalagaan ni Dina.

Sa parehong paraan, inamin ni Dina na ang anak nila ni Vic Sotto na si Danica Sotto-Pingris — ay may pagdududa din ilang taon na ang nakalilipas tungkol sa bagong asawa ng kanyang ama na si Pauleen Luna. 

Ayon kay Dina, natakot umano noon si Danica na lolokohin lang ni Pauleen Luna ang kanyang amang si Vic. Buti na lang at kalaunan ay nalaman ni Danica kung gaano katotoo ang pagmamahal ni Pauleen kay Vic.

Pinuri rin ni Dina ang tibay ng naipundar na relasyon ni Pauleen sa kanyang mga anak na sina Danica Sotto at Oyo Sotto.

“Ganu'n din naman sila Danica nung ikinasal sila ni Pauleen, takot na takot sila na baka lolokohin lang nito si daddy ganiyan-ganiyan. Pero nakita naman nila na mabait naman si Pauleen. In the beginning, of course, you have doubts, hanggang sa mawala… Siya ang tumatawag, 'Nics, come here para makita ka ng Papa mo‘ or ‘Oyo punta kayo.’ Lagi siya gumagawa ng event para magkasasama-sama sila,” pagbabahagi ni Dina.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo