DonBelle Kinabog Ang KathNiel, Gagastusan Ng Abs Cbn!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ng Star Magic ang naganap na virtual meeting ng DonBelle loveteam kasama ang executives ng Star Creatives para sa kanilang upcoming teleserye na Can't Buy Me Love.

Nakasama din nila sa nasabing meeting ang head executive ng Star Magic, head ng production at COO ng ABS-CBN. Kasama rin sa virtual meeting ang mga magulang ng aktor na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.

Matatandaan na unang inanunsyo ang pagkakaroon ng teleseryeng Can't Buy Me Love noong December 2022. Tiyak na magiging maganda umano ang teleseryeng ito dahil kilala naman ang Star Creatives sa pagpoproduce ng mga dekalidad na teleserye.

Bagama't hindi pa nagbibigay ng anumang detalye hinggil sa upcoming teleserye ng DonBelle marami sa kanilang fans ang nai-excite na na muling matunghayan ang dalawa sa telebisyon.

Matatandaan rin na Star Creatives ang nagproduce ng hit teleserye na The Legal Wife, Pangako Sayo, The Iron Heart at maraming pang iba.

Unang nagkatambal sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa IwantTFC series na He's Into Her na hango mula sa hit novel. Nasundan pa ito ng ilang pelikula kung saan lalo pa silang minahal ng kanilang mga fans. May mga nasasabi pang tila nasapawan na umano ng dalawa ang Phenominal loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo