Donnalyn Bartolome, Sinabing 'Maganda Talaga Pagbinuntis'!

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Lovely


Muli na namang naging laman ng mga usapin online ang singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome matapos ang kanyang Facebook post hinggil sa mga babae binuntis.

Hindi din nagustuhan ng maraming netizens ang isinagot ni Donnalyn sa isang commenter na pumuri sa kanyang kagandahan dahil naiinsecure na umano ito sa tuwing tumitingin sa salamin dala ng pagbabago sa katawan matapos magbuntis at manganak.

“Mommy isipin mo na lang binuntis ka… sobrang ganda mo siguro. Ako walang bumubuntis.. parang talo mo ko sa ganda wag ka na ma-insecure diyan ha… I’m sure maganda ka, smile ka na…”

Ni-repost pa niya ito at nilagyan ng caption na, "Maganda talaga pag binuntis."



Bagama’t maganda naman daw ang intensyon ni Donnalyn, marami sa mga netizen ang nagsabing hindi na naman maganda ang choice of words niya.

“Dumale na naman pala si St. Donnalyn Patron Saint of Employment. Now, pati yata Maternity Leave?”

“Hayan may entry na si Donnalyn for the month of February.”

“Feel ko ang New Year’s Resolution ni Donnalyn kay every month dapat may pasabog.”

“Nahihirapan na akong intindihin at ipagtanggol ka Donnalyn.”

Sa ngayon ay burado na ang nasabing post  ni Donnalyn subalit tila huli na ang lahat dahil marami ang nakakuha ng screenshots at kumakalat na sa iba't-ibang social media platforms.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo