Donny Pangilinan at Belle Mariano, Dahilan Kaya Laging Sinasabing Bagay Na Bagay Sa Isat Isa

Martes, Pebrero 14, 2023

/ by Jerome

 

Donny Pangilinan at Belle Mariano ay kapwa daw makapamilya.

Ito daw ang isa sa mas kinabiliban ng kanilang mga tagahanga, dahil sa kahit sila ay sikat na sikat na ay mas binibigyan parin nila ng atensyon ang kani-kanilang pamilya. 

Sa mga naging interview naman sa kanila ng Star Magic inside news ay sinabi nila na kasama sa mga gusto nilang gawin ngayong 2023 ay ang madalas na makapagbakasyon kasama ang kanikanilang pamilya. 

Bukod naman daw sa gusto panilang matuto at umangat pa sa career nila ay ang pamilya parin daw ang mas mahalaga at priority nila sa buhay. 

Saad naman ni Donny, "Gusto kung makasama pa ng madalas ang aking pamilya at mga kaibigan at maka punta rin sa ibang mga lugar na sila ang kasama." 

Samantala sabi naman ni Belle, "Sana magkaroon pa tayo ng mga positibong pananaw at marami pang kasiyahan ang dumating hindi lang para sa atin kundi, para na rin sa lahat ng tao at kasamang maglakbay ang pamilya."

Kaya naman sigaw ng mga tagahanga nila ay bagay na bagay daw talaga silang dalawa.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo