Iba talaga ang chemistry nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Nitong February 23, premiered sa Netflix ang Star Cinema film ng DonBelle na 'An inconvenient Love'.
Agad itong nag-trend sa buong mundo at tumaas bilang 'Top 1' sa Netflix Philippines na 'Top 10 Movies' simula Pebrero 24.
Ang 'An inconvenient Love' ay bahagi rin ng 'Top 10 movies' ng ibang bansa gaya ng Qatar, UAE, Singapore, at Malaysia.
Nasa listahan pa rin ito ng 'Trending Now' ng Netflix USA, Australia, Indonesia, Kuwait at Spain. Masayang ibinahagi ni Derek Petersen Vargas ang magandang balita sa Twitter.
"Ah yes, oo, number 1 daw tayo. Oo nga girl, bakla ka. Number 1 nga at nasa Top 10 pati sa ibang bansa."
Natuwa rin ang head ng ABS-CBN Films na si Kriz Gazmen sa napanood na balita.
"OMG. That was quick. Congrats to the whole uninconvenient love team. You guys made us so so proud. Thank you to everyone who watched. Hope you can help us spread the word."
Sa social media, sumigaw ang mga fans na nararapat pansinin ang pelikula dahil sa maganda nitong cinematography, exciting na kuwento at performance ng aktor.
"An inconvenient Love is so cute, Donny and Belle's chemistry is off the charts.", tweet ng isang netizens.
Sabi pa ng isa, "An inconvenient Love 2022 is such a joy to watch. Andaming film reference at very progressive ang themes. The color grading and the soundtrack, it's so good. Sana pala pinanood ko ito sa sinehan. 9.5 out of 10."
Unang ipinalabas ang 'An Inconvenient Love' noong Nobyembre 2022 para markahan ang pagbabalik ng Star Cinema sa mga sinehan.
Mula nang mag-premiere, umani rin agad ito ng papuri at kumita ng mahigit 15 million pesos sa loob lamang ng ilang araw.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!