Edu Manzano Nagsalita na Investment Scam Na Kinasasangkutan ng Kanyang Anak na si Luis Manzano!

Biyernes, Pebrero 24, 2023

/ by Lovely


 Nag-react ang beteranong aktor na si Edu Manzano sa isyu ng investment scam na kinasangkutan ng kanyang anak na actor-host na si Luis Manzano.


Nahaharap ngayon si Luis sa kasong Estafa na isinampa ng mga investor ng Flex Fuel Corporation. 


Nakasaad pa sa mga ulat na ang aktor-host ay ipinatawag ng National Bureau of Investigation (NBI), gayunpaman, sinabi na ang kanyang abogado ay isang "no show."


Sa isang panayam kamakailan, naitanong kay Edu Manzano ang kanyang pahayag hinggil sa kinasangkutang investment scam issue ni Luis.


“I guess, he’s okay. You know, he did the best thing. He gave to the lawyer and I don’t need to defend my son. He knows exactly what he’s doing,” pahayag ni Edu Manzano.


“May edad na ‘yon, e,” dagdag pa ng aktor na malaki ang paniniwalang malalampasan ng kanyang ang pagsubok.


Naniniwala din umano si Edu Manzano na walang kasalanan ang kanyang anak kaya tiyak umanong maabsuwelto ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo