Eksenang Kinaaliwan Ng Mga Fans at Patuloy Na Pinag-Uusapan Sa Katatapos Na Laro Creamline at Cmft!

Miyerkules, Pebrero 15, 2023

/ by Jerome

 

Tuluyan na ngang natapos ang pinaka-inaabangang paghaharap ng team ng Choco Mucho at team ng Creamline, nanalo ang Creamline sa score na 3/0 at na nanatili parin sila ngayon trending sa ibat-ibang social media platform. 

Talagang maraming mga manonood ang napahanga ng Creamline dahil sa husay at galing ng kanilang pinakita sa laro. 

Samantala todo sigaw namna ang mga fan sa eksena kung saan makikita na nagkatapat sina Deanna Wong at Gema Galanza, pero mapapansin din naman na nakafocus talaga sila sa kanilang paglalaro. Napag-usapan din ang pagharang umano ni Deanna Wong kay Gema Galanza dahil sa muntikan na itong matumba, ngunit ayon naman sa iilan ay itinuturo lang daw umano ni Deanna Wong kung in ba or out ang bola. 

Samantala ng matapos na ang laro ay nag mala artista naman itong si Gema Galanza dahil sa pag dumog sa kanya ng mga fans at pagbibigay sa kanya nga mga bulaklak at regalo.

Bagama't natalo nga ang Choco Mucho sa larong ito ay hindi naman maikakaila na isa ang team na ito sa may pinakamaraming hakot ng fans, ayon nga daw sa ilan sila ang tinaguriang crowds favorite.

Samantala isa naman sa mga kinabiliban ng mga fans sa Creamline ay ang kanilang ugali na mabait at humble pagdating sa mga fans nila. Nang matapos nga ang laro ay makikita ang team Creamline na nagbibigay pugay sa kanilang mga fans na dumayo pa mula sa ibat-ibang lugar upang masaksihan lang ang kanilang laban.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo