Enrique Gil at Liza Soberano Nagpakasal Na?

Martes, Pebrero 21, 2023

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa social media ang salitang 'my wife' na binitawan ng aktor na si Enrique sa isang thank you speech.


Pinost ng Twitter account @NBA Philippines ang thank you speech ni Enrique na ang caption ay, ‘Imagine winning an NBA trophy! Enrique Gil plays around with the idea at the #NBAAllStar idea weekend.


Sabi ng aktor, “To my coaching staff, my teammates, my family, my wife.  Thank you for the love and support for a chance maybe.”


Marami ang nag-iisip na ang aktres na si Liza Soberano ang tinutukoy ni Enrique na 'my wife' sa kanyang pahayag. Kaya namang naging tanong sa ilan kung secretly married na ba ang dalawa.


Ito ang itinuturong dahilan kaya hindi apektado si Enrique sa mga isyung kumakalat na maaring magkadevelopan sina Liza at manager nitong si James Reid.


Samantala, wala namang ibang nalilink kay Enrique Gil nitong mga nakalipas na buwan. Padalaw-dalaw naman ang aktor sa kanyang nobya na kasalukuyang nasa US.


Makikita pa sa nasabing tweet na namili rin siya sa NBA house ng jersey at tinanong kung para kanino ang mga pinamili.


“I’ve got some jerseys, bro. So, I’ve got one for, uhm, LIZA’s DAD, one for my BEST FRIEND, and, one for me.”


Baka naman ito ang term of endearment ni Enrique kay Liza, ‘my wife',  ano naman kaya ang tawag ni Liza sa nobyo?



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo