Gab Chee Kee, Nakalabas Na Sa ICU pero Hindi Pa Maaaring Lumabas Sa Hospital!

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Lovely


 Masayang ibinahagi ng Parokya ni Edgar sa pamamagitan ng kanilang Facebook page ang isang masayang balita, kung saan nakalabas na sa ICU ang kanilang gitarista na si Gab Chee Kee.

Subalit, hindi pa rin umano ito makakauwi sa kanilang bahay.


"Finally!!! Gab is out of the ICU! Thank you Lord! Though still far from 100%, he has already transferred to a progressive room to continue his recovery from the pneumonia and the complications brought after."


Maari na rin umanong gumamit ng cellphone si Gab  at makapagtugtog ng gitara. 


Kaya naman mababasa na rin daw umano ang mga komento ng mga taong sumusuporta sa kanya at naniniwalang makababalik pa rin siya sa pagtugtog.


"Pwede na rin siya humawak ng cellphone at nababasa niya ang mga comments, kaya wag kayo magulat kung biglang mag-reply siya sa inyo!"

"Since nababasa niya to, positive comments please para pang tulong sa recovery! Bawal mga negastar!,"  mababasa pa sa post nila.


Labis din ang pasasalamat ng Parokya ni Edgar sa mga sumuporta at tumulong sa pamilya ng kanilang kabanda na malampasan ang kanilang kinakaharap na pagsubok.


Tuwang-tuwa naman ang mga fans ni Gab nang makitang maayos na ito at nakalabas na sa ICU.


"Get well soon, Gab! Magpagaling ka nang mabilis na mabilis!"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo