Labis na nalungkot si Antonette Gail matapos itapon ng isang customer sa basurahan ang mga produktong skincare na ibinebenta nila ni Whamos Cruz.
Hindi napigilan ng social media personality na si Antonette Gail del Rosario na maglabas ng galit sa isang customer.
Ibinasura nito at tinawag na walang kwenta ang mga produktong skincare na kanilang ibinebenta.
Kamakailan lang ay nag-post ang nasabing customer ng video sa Tiktok kung saan makikitang galit na galit niyang itinapon sa basurahan ang mga skincare products na binili niya sa live selling nina Antonette at ng boyfriend nitong si Whamos Cruz.
Sa nasabing video, maririnig ang tila disappointed na tono ng customer dahil dalawang freebies lang ang natanggap niya mula sa gimik ni Antonette at Whamos na "Add to cart Big Scoop Freebies".
Lingid sa kaalaman ng marami sa nasabing gimik, lahat ng bumibili o nagdadagdag sa cart mula sa live-selling ng magkasintahan ay may pagkakataong manalo ng freebies o libreng items na inihanda ng magkasintahan.
Kabilang sa mga libreng item na matatanggap ng mga mamimili ay ang isang bagong-bagong cellphone, cash, at mga produkto ng skincare.
Pero mukhang nadismaya ang nasabing customer dahil dalawang freebies lang ang natanggap niya.
Saad pa niya sa kanyang video, "Kasi walang kwenta yung freebies mo dalawang piraso."
Matapos mag-viral, nakarating kay Antonette ang nasabing video ng customer.
Sa kanyang reaction video, inamin ni Antonette na halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman nang mapanood niya ang video ng nasabing customer.
Iginiit din niya sa customer na maraming gustong bumili ng kanilang mga produkto at gustong makatanggap ng mga freebies na sinayang lang niya at itinapon sa basurahan, ani Antonette.
"So ayun guys meron akong napanood dito sa Tiktok. So grabe hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko since napanood ko yung video."
"So ate hindi mo ba alam na sobrang daming derserving na magkaroon ng product namin at sobrang daming gustong umorder ng product na yan."
Ipinaliwanag din ni Antonette ang proseso ng pagbibigay ng freebies sa mga customer na bibili.
Aniya, "So yung about naman sa freebies guys, gusto ko lang i-explain kasi yung iba nagrereklamo porket nakakatanggap sila ng dalawang freebies or tatlo ganun."
"So kung makikita nyo kapag nagla-live kami, andaming product dun guys na naka-list which is ayun yung mga distributor namin, sinusuportahan namin sila para makabenta sila sa Tiktok."
"So ibig sabihin wala kaming store dun. Sinu-support namin lahat ng mga regional namin dun, lahat ng distributor namin para makabenta sila."
"So ang ginagawa nila nagse-send po sila ng waived bill sa amin at ipi-print namin yun on the spot kung sino yung mga nagaadd to cart nung araw na yon or nung live na yun."
"So, hindi po namin talaga kaya lahat magprovide ng cellphone dahil malulugi naman kami kung lahat naman pong order, kahit mini or mega, malalagyan ng cellphone."
"So sa libu-libong umoorder po, swertihan lang po talaga yung makaka-receive ng phone and swertihan din yung makaka-receive ng freebies kasi hindi nga po namin kaya if lahat yun po-providan namin ng freebies."
Sa huli, nakiusap si Antonette hindi lang sa nasabing customer kundi sa lahat ng netizens na huwag magdagdag sa cart sa kanilang live-selling kung gusto lang nilang makatanggap ng cellphone o freebies.
"So ayun guys hindi naman po namin kayo pinipilit na mag-add to cart sa live namin and sana huwag na kayong mag-order kung ang habol nyo lang naman po is freebies."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!