Heart Evangelista 38th Birthday♥️ Chiz Escudero Humirit Na Mas Masarap Ang Asawa Niya Kaysa Sa Wine!

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Lovely


May pa advance birthday celebration ang actress at fashion icon na si Heart Evangelista kasama ang asawang si Chiz Escudero at ilan pa sa kanyang mga malalapit na kaibigan. Nakasama rin nila ang kanyang mga photographer.

Makikita naman sa kanilang ibinahaging video ang kasiyahan habang sinicelebrate ang birthday ni Heart. Makikita rin sa isang punto ng video na masayang kakwentuhan ni Heart si Ms. Aivee at ang asawa nito.

Samantala sa isang punto ng video ipinahayag ni Chiz na mas masarap pa rin ang kanyang asawa kaysa sa wine.

"Pagbabaliktarin man ang lahat mas masarap pa rin ang asawa ko sa kahit na anoong wine," pahayag ni Chiz.

Labis naman na nagpapasalamat si Heart sa lahat ng dumalo sa kanyang advance birthday dinner lalong-lalo na ang kanyang photographer at sa buong team na pumunta pa rin kahit na day-off nito.

Si Heart Evangelista ay isang Kapuso actress at fashion icon. Ipinanganak siya noong February 14, 1985 at mag-38 years old na. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo