Ion Perez Nahawa Na Sa Talas ng Dila ni Vice Ganda!

Linggo, Pebrero 12, 2023

/ by Lovely


Muling naging laman ng talakayan sa Youtube vlog nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez nang mapunta ang usapan nila sa isa pang co-hosts nila sa It's Showtime na si Karylle.

Matatandaan na nag-viral ang pamamahiya at pambabastos umano ni Vice Ganda kay Karylle sa isang segment ng show. Ayon pa sa talakayan ng tatlo, totoong napaka-approachable ni Karylle at kabaliktaran umano ito sa iba pang hosts sa nasabing show.

Muli din nilang pinuna ang katalasan ng dila ni Vice Ganda na imbes ay sawayin ng karelasyon nitong si Ion Perez ay sinasabayan pa umano nito. Maging si Ion ay naging matalas na rin umano ang dila at tila ba ay nahawa na sa komedyante.

“Matalas ang dila ng Ion. Napakatalas ng dila. Matapos niyang sabihin na may nagtanong daw sa kaniya, ‘Bakit ka pumatol kay Vice? Bakit sa beki?’ Anong sagot niya, ‘Alangan namang pakainin ko pamilya ko ng buhangin.’ So aminado siya na comfort, future ang kaniyang ano ‘di ba. Matalas ang dila ng Ion, parang sumasabay na kay Vice,” pahayag ni Cristy Fermin.

Samantala, inilahad pa ni Cristy Fermin na maituturing na isang ibon lamang si Ion na nakatungtung sa likod ng kalabaw, subalit kung umasta ay parang kalabaw na rin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo