Isang kakampink at kilalang anti-Marcos na si Atty. Jesus Falcis, hindi nagustuhan ang pelikulang “Ako Si Ninoy” ni Atty. Vince Tañada.
Sa isang mahabang Facebook post nitong Huwebes, Pebrero 23, inilabas ng abogad ang kaniyang review sa pelikula. Binigyan niya lamang ito ng kabuuang 1/5 stars.
“Movie: AKO SI NINOY
Review: THE FILM BLEW MY MIND. To smithereens. It was so smart and mind-blowing that I didn’t get it.
Rating: 1/5 stars,” panimulang pahayag ni Atty. Jesus.
“Baka ako yung bobo. But here’s why it blew my mind: It doesn’t have a message. Ninoy Aquino is a hero, yes. But the movie keeps telling that."
"It doesn’t show it. We already know Ninoy is a hero. But why? I thought it was basic to know that when persuading people, show; don’t tell,” pagpupunto nito.
Ipinahayag din niya na ang kawalan ng presentasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pelikula.
Ayon pa Falcis, hindi raw naiintindihan ng pelikula na walang “Ninoy Aquino” kung walang “Ferdinand Marcos.”
Binanggit pa niya ang ilang delusional scenes na aniya'y tila malayo sa katotohan. Lumabas pa umanong isang narcissist and a megalomaniac si Ninoy Aquino sa pagbabalik niya sa Pilipinas upang ayusin ito.
Nabanggit pa niya na napakaboring ng pelikula na tila ba'y paulit-ulit na lamang.
Sa huli ipinunto niyang nasayang lamang ang kanyang pera sa panonood ng nasabing pelikula.
“Ako Si Ninoy’s ending scene of a Ninoy-inspired kid becoming President in 2052 is MEGA CRINGE and delusional. Ako Si Ninoy is not helping any inch to make that a reality.”
"I watched it so you don’t have to. Don’t. Sayang pera. Mahal ang ticket.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!