Jak Roberto Di Na Kinaya at Di Nakatimpi Sa Ginawa Ni David Licauco Kay Barbie Forteza (Filay) Bts

Biyernes, Pebrero 24, 2023

/ by Sparkle

 



Ilang araw na lang, matatapos na ang tinutukan at pinag-usapan ng buong sambayanan na 'Maria Clara at Ibarra'.


Tila walang tigil sa kilig ang 'FiLay' love team na ito kaya naman marami ang nagtanong kung ano ang naging reaksyon ni Jak Roberto simula nang mabuo ang love team ng Kapuso network na 'FiLay'.


Ang 'FiLay' ay mula sa karakter ng top rating series na 'Maria Clara at Ibarra' na ginagampanan ni David Licauco bilang Fidel at Barbie Forteza bilang Klay.


Marami na ang kinikilig sa tandem nina David at Barbie Forteza.


Nagtaka na naman ang mga netizens kung ano ang nararamdaman ngayon ni Jak Roberto sa ipinakitang sweetness nina David at Barbie.


May mga fans sila na laging nagtatag kay Jak Roberto kung saan kamakailan ay nag-post sina David at Barbie ng tiktok video na may 5 million views.


@barbieforteza8doneyet Ayan, gaya gaya ka kase @David Licauco ♬ The Only One - Pammylicious


@davidlicauco

Aking binibining Klay 🤗

♬ Close to You - Sam Milby

Dito, maraming beses na tinag at pinag-usapan si Jak ng ilang fans. 


Pabiro nilang komento na baka magselos si Jak dahil makikita na magkayakap at magkaholding hands ang 'FiLay' sa viral video.


Noon pa man, simula nang makilala ng publiko ang loveteam na 'FiLay' ay nag-react na si Jak kina Barbie at David Licauco.


Wala raw siyang nararamdamang selos o inggit dahil kilalang-kilala at pinagkakatiwalaan ni Jak Roberto ang kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.


Mas naiintindihan naman daw ni Jak Roberto ang lahat dahil pareho sila ng trabaho at isa ring artista.


Bukod pa riyan, naging magkaibigan na sila ni David noon pa man dahil nagkatrabaho na sila sa isang programa.


Ayon kay Barbie Forteza, si Jak Roberto mismo ay isa sa mga number one supporters nila ni David sa palabas na 'Maria Clara at Ibarra'.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo