Jed Madela, Nalungkot Sa Komento Ng Basher Hinggil Sa Paghinto Niya Bilang Singer!

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Lovely


Labis na nalulungkot ang Kapamilya singer na si Jed Madela sa komento ng isang basher hinggil sa pag-amin niyang naiisip niya noon ang pagtigil sa pagiging singer.

Matatandaan na inamin ni Jed Madela sa “Toni Talks” ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, na minsan ay naiisip na niyang tumigil sa showbiz at sa pagiging singer dahil pakiramdam niya, hindi naman na siya napapansin dahil sa mga nagsulputang mga batang mang-aawit sa kasalukuyan.

Ayon sa komento ng basher, wala naman umanong malulungkot sakaling tumigil siya dahil marami pa namang mga mas bata at magagaling na singers ngayon.

“Kahit mag-stop ka, di mararamdaman absence mo! Ang daming mga bagong singers na magagaling at fresh na, down to earth pa!” komento ng basher.

Agad naman itong ibinahagi ni Jed sa kanyang Facebook post kalakip ang kanyang pahayag na labis siyang nalulungkot dahil hindi niya maintindihan kung bakit may mga taong nagiging masaya sa downfall ng iba.

“Such a mean person…”

“Just woke up and saw this post. Instead of getting upset, I felt sad. I’m trying to understand what happiness or satisfaction this post gives to this person but I can’t seem to piece it together.”

“Oh well…,” pahayag sa caption ng singer.

Samantala, kaagad na bumuhos ang mensahe ng pakikisimpatya para sa singer. Marami sa mga fans nito ang nagpahayag ng pagsuporta kay Jed Madela.

"YOU are resilient and better than that, you are a CHAMPION!

“ Insecure people will always stir up trouble, because they need to be the winner, but SECURE person “ and that’s you Jed Madela” will do nothing because you know that you win either way!

thank you for making filipinos 🇵🇭proud"

"A lot of mean people in the world but it got worse during the pandemic. God bless you mean people. May you find something to be thankful inspite how bad or crazy the world is. Negativity will just keep you down. My mom and I will forever be Jed Madela's fans."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo