Joey De Leon, Nagbabala Pagagapangin ang Mandaraya Gamit Ang Stomach!

Linggo, Pebrero 19, 2023

/ by Lovely


Naglabas na ng babala ang host na si Joey De Leon hinggil sa dayaan na nangyari sa kanilang show na Eat Bulaga.

Kumakalat ngayon ang isang video clips kung saan makikita ang pandaraya umano ng isang couple na contestant ng Pinoy Henyo upang maiuwi ang premyo.

Bagama't wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng show naglabas na ng tila mga babala ang mga hosts ng show.

Ayon kay Joey De Leon, na ang pandadaya ay nakakawala ng saya sa nasabing show, at kung sakali mang may mahuli silang nandaya ay pagagapangin nila gamit ang 'stomach'.

Matatandaan na tila binigkas ng contestant ang salitang 'stomach' ng walang sound upang matulungan ang nahihirapan nang partner sa paghuhula ng tamang sagot.

“Sa isang laro, ano ang ginagawa mo para mawala yung saya o yung fun? Kapag ikaw ay nandaya. Kapag nagtsi-cheating ka sa isang game, wala na yung fun. Akalain ninyong itong ‘Pinoy Henyo,’ e, pasukan ng mga mandaraya? Kaya inuulit natin, totoo yan, kahit anong laro pa yan, kapag nandaya kayo, wala nang fun! Totoo nga yung pandaraya, may fun, fundaraya. Pero hindi dapat… no cheating,” pahayag ni Joey.

Dagdag pa niya, “Naaalala ko lang yung mga nandadaya. Nabanggit niyo yung snake. Ang parusa niyo magiging snake kayo, gagapang kayo gamit ang inyong stomach.”


@eyronman26 Stomach na lang nandaya pa yata 🥺 #eatbulaga #pinoyhenyo #fy #fyp #xyzbca ♬ original sound - A.p. Benoza - Ey

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo