K Brosas mas piniling magpa-interview kay Toni Gonzaga kesa kay Ogie Diaz!

Martes, Pebrero 21, 2023

/ by Lovely


 Naging malaking palaisipan din para kay K Brosas ang pagkawala ng kanyang interview sa Youtube Channel ni Toni Gonzaga na Toni Talks.


Lumabas pang mas pinili pala ni K Brosas na magpa interview sa Toni Talks ni Toni Gonzaga kaysa sa Ogie Diaz Showbiz Update noon.


Subalit, naging malaking palaisipan kung bakit bigla na lamang nawala ang kanyang interview at hindi na ito mapapanood o masearch sa nasabing platform.


May mga nagsasabing baka ang dahilan kung bakit nakahide na ito ngayon ay dahil sa magkaibang sinupurtahan nina K Brosas at Toni Gonzaga noong nakaraang eleksyon.


Si Presidente Bongbong Marcos, Jr. ang sinuportahan ni Toni at si dating Vice President Leni Robredo naman ang ikinampanya ni K Brosas.


Gayunpaman, naglabas naman umano ng pahayag si K Brosas na kahit walang pahintulot na tinanggal ay wala pa rin siyang sama ng loob kay Toni.


“Pero siyempre ‘yun nga ang tanong ni K, bakit nawawala ‘yung interview niya kay Toni Gonzaga?"


"Sabi naman ni K, ‘hayaan mo na baka may dahilan sila kung bakit nilka hinayd ‘yung interview ko.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo